Pages

Wednesday, November 16, 2016

Buod ng Mensahe ng Butil ng Kape

May isang mag-ama na nagbubungkal ng lupa. Narinig ng amang magsasaka na nagmamaktol ang kanyang anak na lalaki sa hirap at pagod na nararanasan niya sa pagsasaka at pagbubungkal sa bukirin kaya nasabi nitong hindi makatarungan ang kanyang buhay. Tinawag niya ang kanyang anak papuntang kusina. Naglagay siya ng tubig sa tatlong palayok na nakasalang sa apoy. Nang kumulo na ang tubig, nilagyan niya ang unang palayok ng carrot, pangalawa ay itlog at panghuli ay isang butil ng kape. Makalipas ang ilang minuto, hinayaan ng ama ang kanyang anak na lumapit sa mga palayok. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot, naging buo at matigas ang laman ng itlog. Pagkatapos nito, inutusan ng ama ang anak na higupin ang kape. Ipinaliwanag ng ama ang bawat prossesong dinaanan ng carrot, itlog at butil ng kape.
Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba’t-iba ang naging reaksiyon. Ang carrot na matigas ngunit nang ilahok ay lumambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti  at manipis na balat bilang proteksiyon, ay naging matigas ng mapakuluan. Ngunit ang butil ng kape, matapos itong ilahok ay natunaw at naging karagdagang sangkap pa.
Tinanong ng ama kung alin dito ang anak. Nais ng ama na ikintal sa isipan ng ng anak na ang kumukulong tubig  ay katumbas ng suliranin sa buhay. Tinanong niya rin ang anak kung paano siya tutugon kung ang ito ay kumatok sa kanyang pinto, siya ba ay magiging carrot, itlog o buil ng kape?
 Kung siya man ay magiging butil ng kape, siya ay magiging matatag  sa oras ng pagsubok at siya mismo ang magpapabago sa kanyang paligid.

At sa huling pagkakataon  ay tinanong muli siya kung alin siya sa tatlo at tumugon ito  na siya ay magiging kape katulad ng mahal niyang ama.

No comments:

Post a Comment